Local News

Bakit di mo Isuko ang Pagka-Pangulo mo at Magbitiw ka? – Opposition’s Ex-Senatoriable

Matapos hamunin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na pangunahan ang anti-drug campaign ng pamahalaan dahil sa palagiang pagpuna nito, tila sunod-sunod na dumepensa ang mga ka-alyado ni Leni.

“I can commit you there to be the drug czar. Maraming masyadong reklamo doon sa labas.. sige, sabihin niya lang, then you have to redirect your, or whatever. Ngayon mas marunong ka man sa akin, I’ll hand it to you, full powers sa drugs. I’ll give you six months. Tingnan natin kung kaya mo…. I’m really true to give you, to concede to you, power that would cover all anti- drug activities by the Government. Sabihin niya, siya ang bahala. I’ll give you clean slate, para malaman niya kung paano ko dalhin, magkontrol ng droga,” hamon ni Pangulong Duterte kay Leni.

Kahapon ay naglabas ng pahayag si Libral Party Senator Francis “Kiko” Pangilinan. Kinuwestiyon niya kung bakit 6 na buwan lang ang ibinibigay ni Pangulong DUterte kay Leni. Para kay Senador Pangilinan, dapat ay 3 taon daw ang ipaubaya kay Leni sa paglaban sa droga.

“Bakit naman six months lang? Gawin na nilang three years at sigurado ako hindi na papalusutin ang tonetoneladang shabu sa BoC (Bureau of Customs), wala na ang araw-araw na patayan ng mahihirap nating mga kababayan habang mga ninja cops at sindikato ay binibigyan ng mataas na posisyon, pinalalaya dahil sa GCTA (Good Conduct TIme Allowance) o inaabswelto at sigurado na hindi na tayo walang imik at sunud-sunuran sa China… 3 years na nilang hawak ang law enforcement so dapat lang 3 years din ang ibigay na oras para fair!,”patutsada ni Kiko.

Ngayon naman ay nagsalita na din ang talunang kandidato sa pagka-senador ng oposisyon na si former solicitor general Florin Hilbay. Banat ni Hilbay, bakit hindi daw subukan ni Pangulong Duterte na magbitiw sa pwesto at isuko ang presidensiya.

“Why not just surrender the presidency by resigning? Subukan natin,” sabi ni Hilbay.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: