Local News

Watch! ‘Itong mga Bobong Botante’ Mystica, Binanatan si Mayor Sara!

Sa kaniyang online video, bumoladas si Rubie Villanueva a.k.a. Mystica laban kay Davao City Mayor Sara Duterte. Hindi daw siya naniniwala na dapat ibotoang anak ng kasalukuyang Presidente. Naniniwala din daw siya sa sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi dapat pinamamana ang pwesto sa gobyerno.

“Ang isang tao, once na ibinoto mo dapat talagang ‘yung pwesto na ‘yon dapat they really deserve and earned it, hindi ‘yung minana lang… Kasi kapag minana mo lang alam ng tao, alam ng Diyos hindi mo pinaghirapan. You could be the worst politician na wala kang kaalalam alam, lampa ka, and yet pwede ka ng mag Presidente kasi nga naman ang iyong Tatay ay isang Presidente… Tinitignan lang nila ‘yung posisyon ng ama o ina, kaya akala nila ‘yung ano nagiging posisyon ng ama o ina ay pwede ng manahin ng isang anak… While in fact sobrang napakalayo ng credibility at credentials o di kaya’y napakalayo ng qualification ng anak doon sa pinagmanahan niya,” boladas ni Mystica.

Sa huli, pinasaringan din ni Mystica ang mga botante na maaaring bumoto para kay Mayor Sara. Hindi rin pinalampas ni Mystica sina former president Ferdinand Marcos at ang anak nito na si former senator Bongbong Marcos.

Si Mayor Sara ay isa sa mga nangunguna ngayon sa mga survey kaugnay sa 2022 presidential elections.

Source: Mystica via YT

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: