Local News

It’s Official! Hindi na Senador si Trillanes!

Ito na siguro ang pinakahihintay na araw ng mga kritiko ni dating Senador Antonio Trillanes dahil simula ngayon ay isa nang pribadong indibidual ang dating rebelde at kaaway ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang social media account, nagpasalamat si Trillanes sa mga sumusuporta sa kanya.

“At sa pagtatapos ng aking pagsisilbi bilang senador, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pagsubaybay at walang sawang tiwala at suporta!” sabi ni Trillanes.

Ipinagmalaki din ng dating senador na naging naging instrumento daw pagbabago ang kanyang paninilbihan sa senado sa loob ng 12 taon.

“Mahirap man ang bawat laban, pero ang lahat ng ito ay naging makabuluhan. Sa loob ng 12 taon, tayo po ay naniniwalang nagawa nating maging instrumento ng pagbabago, at hindi ito natatapos kasabay ng aking termino,” ani Trillanes.

Nangako din si Trillanes na patuloy siyang “maninindigan” para sa kabutihan.

“Tayo po ay patuloy na maninindigan sa panig ng tama para sa ikabubuti ng bawat Pilipino at ng ating bansa.” dagdag pa ni Trillanes.

Ilan sa mga pinaggagawa ni Trillanes simula nang maupo bilang Presidente ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte ay ang mangalkal ng mga puwedeng maibato sa pamilya ng Pangulo. Magugunita na ipinatawag si Presidential son Paolo Duterte at ang manugang ni Presidnete Duterte na si Mans Carpio sa senado at dito ay iginiit ni Trillanes na mayroong tattoo sa likod si Paolo. Ito daw ang magsasabi ng pagiging miyembro ni Paolo sa isang sindikato.

Hindi lang mga Duterte ang nakaalitan ni Trillanes, pati ang mga kapwa niya senador tulad nina dating Senador Alan Peter Cayetano, Senador Miguel Zubiri at Richard Gordon.

Natandaan niyo ba yung panayam ni Trillanes sa programang ng BBC na may pamagat na HardTalk? Sa naturang panayam, mapapanood si Trillanes na pilit inilalagay ang Duterte Administration sa negatibong imahe pero binutata ito ng host na si Stephen Sakur.

Source: Antonio “Sonny” Trillanes IV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén