Local News

Ituloy ang Face shield Policy? Isko, Butata sa Paliwanag ng WHO Health Expert!

Nitong nagdaang mga araw ay panay batikos si Manila Mayor Iskjo Moreno sa face shield. Ayon sa alkalde, pabigat lang daw sa bulsa ng mga tao ito. Para kay Isko, gamot daw ang dapat bilhin imbes na plastic.

“Gamot na muna kesa plastic, ‘yun ang bilhin natin… Ako payo ko talaga sa kanila, huwag face shield ang bilhin ninyo. Tocilizumab ang bilhin nyo. Remdesivir ang bilhin nyo. Oxygen, makina sa ospital ang bilhin nyo. Yun ang kailangan ng tao kung talagang mahal natin ang tao, sabi nyo. Kung kayo’y para sa tao sabi nyo… Gamitin natin ang faceshield sa ospital. Wag natin irequire ang tao. Wala na nga tayo nabibigay na trabaho, pinagagastos pa natin ang tao. Wala naman science (dito),” kuda ni Isko.

Pero ang mga patutsada ni Isko ay tila nasupalpal sa pahayag ng representante ng World Health Organization (WHO) na si Dr. Rabindra Abeyasinghe. Magbibigay din daw kasi na maling senyales sa publiko kapag ininto ang pagsusuot ng face shields.

“WHO has mentioned that [a face shield] is primarily meant for healthcare workers in facilities where aerosol-generating procedures are happening… But we have as a country decided, you as have as a country decided that face shields should be worn. So we shouldn’t change that position now when the country is experiencing the highest number of cases… Let us be very clear that we need to strengthen whatever we are doing now, to strengthen the response. We can look at that once we get the situation that is currently prevailing under control,” paliwanag ni Abeyasinghe.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: