Local News

‘Iyong sa akin, wala naman iyon sa akin. Iyong sa akin, hindi iyon personal’ – Leni Robredo

“Iyong sa akin nga, wala naman iyon sa akin. Iyong sa akin, hindi iyon personal,”

Binalewala ni Vice Presient Leni Robredo ang pagbanat sa kanya ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr.

Magugunita na tinawag ni Locsin si Robredo na “boba”, matapos punahin ng pangalawang pangulo ang hakbang ng DFA na kanselhain ang lahat ng diplomatic passports na ibinigay sa mga dating opisyal at diplomats ng Pilipinas.

Humingi naman ng paumanhin si Locsin kay Robredo ilang sandali matapos ang kanyang maanghang na banat sa pangalawang pangulo.

Nang kunan ng pahayag si Robredo sa sinabi ni Locsin, sinabi ng Vice President na hindi siya pumapatol sa usapang bastusan.

“Sa akin naman, ever since hindi ako pumatol kapag usapang bastusan. Sa akin, hindi naman ako nababawasan doon. Alam ng tao kung ano ang tama at ano iyong mali, kaya hindi ko na iyon papatulan,” sabi ni RObredo.

Ito po ang naging reaksyon ng mga tao sa naging pahayag ni Leni.

“Bakit Ang baluktot nya magsalita. Hindi nya simplehan sentence construction nya. Dami pang pasikot sikot kunwari matalinghaga,” sabi ni T. Macalintal.

” Yung sa kanya, wala naman talaga sa kanya yun, ang sa kanya lang e hindi naman talaga sa kanya yun.kanya kanya nalang,” sabi ni J. Ampong.

“Bakit ganyan ang mga pahayag ni VP, parang kwentong tsismosa sa kalye, parang inano ko yung ano ni ano. What!!!!,” sabi ni E. Ocera.

Source: Philstar | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén