Local News

Jeep na may 21 Pasahero, Nahulog sa Bangin Habang Lumilikas sa Taal Volcano Ash Fall!

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, pumalo sa 21 na pasahero ng jeep ang naaksidente habang nilillikas ang bayan ng Agoncillo sa Batangas na sinasalanta ngayon ng ash fall dahil sa pagaalburoto ng Bulkang Taal.

Base sa pahayag ni Balete, Batangas Mayor Wilson Maralit halos ang sakay ng nasabing jeep ay mga nagtatrabaho sa iba’t-ibang palaisdaan sa bayan ng Agoncillo at mga nakatira sa Bayan ng Balete.

Sa ulat naman ng Radyo Pilipinas at Remate, wala raw nakaligtas sa mga pasahero ng jeep. Ang impormasyon ay galing daw kay 3rd District Batangas Rep. Ma. Theresa Collantes.

Nababalot pa rin daw ng makapal na abo ang lugar. Ngunit nakahanda naman na daw ang mga tauhan ng Disaster Risk Reduction Management Council para rumisponde.

Sa impormasyon na nakalap ng Philippine Star, niyanig ng 4.1 na lindol ang Agoncillo, Batangas. Nangyari ang lindol mga alas-6 ng umaga ngayong Enero 13.

Ang warning sa Taal ay nananatili pa rin sa alert level 4 at pinangangambahan ang psibleng mapaminsalang pagsabog.

Umabot naman daw sa 72 na lindol ang naitala ng ng Phivolcs. Ito ay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal. 32 sa mga lindol na ito ay nadama sa mga lugar sa Batangas at Tagaytay.

Patuloy pa rin daw ang pagbagsak ng delikadong abo sa bayan na malapit sa Batangas.

Inirekomenda naman na ng PHIVOLCS na lisanin na ng mga kababayan natins a14-kilometro radius mula sa Bulkang Taal ang kanilang mga tahanan para maiwasan ang paglangahp ng volcanic ashes na makakaapekto sa kanilang kalusugan.

Nagbigay naman ng mga numerong pwedeng tawagan ang mga Presidential Communications.

Source: Radyo Pilipinas | ABS-CBN | Remate | Philstar | ABS-CBN | Presidential Communications

Leave a Reply

Theme by Anders Norén