Local News

Panoorin: Jim Paredes, Nagbabalik Eksena at may Mensahe sa mga Pilipino

Matapos makaladkad sa matinding kontrobersiya si Jim Paredes sa unang bahagi ng taong 2019, nagbabalik na ang mang-aawit na matinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Magugunita na naging laman ng balita ang nag leaked na video call ni Paredes kung saan makikita ang musikero na dumidiladila at nagpapakita ng maselan na bahagi sa kausap nito.

Sa isang mahinahon na tono, sinabi ni Paredes na siya ay isang alagad ng sining at hinkayat niya ang mga kaabayan natin na kasiyahan ang kanyang mga likhang awitin.

“We make music. I’m just an artist. I come up with stuff. Enjoy them at your pleasure,” ani Paredes.

Umaasa din daw siya na patuloy siyang makakagawa ng mga musika.

“I’m grateful and hopeful that I will continue to write the soundtrack of their love lives… everything,” dagdag pa ni Paredes.

Hindi naman napigilan ng ilang kababayan natin na magkomento sa pagbabalik ni Paredes sa eksena.

“Tao lang tayo bakit ganun natin pagtawanan yung tao . Oo nakakatawa at kakutya-kutya yung ginawa nya . Kayo ba tinanong nyo sarili nyo kung gaano kayo kalinis walang bahid kasalanan ? Nabubuhay na tayo sa mundo ng mga mapanghusga . Diko pinagtatanggol si Jim Paredes,” sabi ni M. Hilario.

“ikaw na din sumira ng sarili mo lahat ng tao hindi makalimutan ginawa mo una yung ” LOOK AT ME” sinundan ng ‘MARIANG PALAD” sana nga maging ok pa ang lahat para sayo,” sabi ni V. Labra.

“Babalik ka rin pala sa music industry Kong ano ano pang kalukuhan ang pinag gagawa mo di sana isa ka sa mga song writer na tinitingala eh ngayon meron pa kayang magtitiwala sa yo mag pakatino ka na tumatanda ka ng walang pinagkatandaan,” sabi ni R. Cruz.

“dimo na maibalik ang paghanga ko sa iyo ibana ang tinginco sa yo sorry ka na lang.,” sabi ni A. Lorica.

Ito po ang kabuuanng kanyang panayam mula sa News5.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén