Local News

JOLOGS ang mga Supporters ni Duterte! – Laos na Aktres G. Tongi

Pinatutsadahan ng laos na aktres ang mga DDS o Duterte Die-hard Supporters. Sa kanyang social media post, tinawag ni Giselle Tongi na “JOLOGS” ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang panlalait ni Tongi sa mga taong sumusuporta sa Presidente ay nagsimula matapos tawagin ni TV host Arnell Ignacio na may ilang bobong celebrities.

“Noon ang artista kadalasan ang tingin e mahina ang ulo… na stereoyped kung baga. Nakaka sama nga ng loob noon …pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba eh.me yabang pa nga sa katangahan e” sabi ni Ignacio.

Sa comment section ng social media post ni Ignacio, hinulaan ng ilang netizens kung si Angelica Panganiban ba ang pinatatamaan ng TV host. Maguguntia na nag post si Panganiban laban sa tugon ng gobyerno sa Bayong Rolly.

Ang opinyon na ito ni Ignacio ay hindi nagustuhan ni Tongi.

“Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila… Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka…?????????” boladas ni Tongi.

Sa hiwalay na tweet ay dito na nilait ni Tongi ang mga tagasuporta ng Pangulo.

“Lots tweeting me back after my recent tweet. 3 things, if I may? 1. I have always been vocal about my beliefs that keep Filipinos oppressed. Activism is part of who I am. 2. I can’t understand a lot of ur tweets coz dds jologs #sorrynotsorry 3. I stated a fact on the hair plugs,” patutsada ng laos na aktres.

Si Tongi ay madalas makita sa TV noong simula ng dekada nobenta hanggang sa unti-unting naglaho ang career nito.

Naging bida rin ito sa pelikulang may pamagat na “Deliryo”.

Source: Philstar | G. Tongi | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén