Local News

Journalist na Naglabas ng Negatibong Ulat sa SALN ni PRRD, Lumabag sa Anti-Wiretapping Law ayon sa Ombudsman!

Kamakailan lang ay naglathala ng ulat ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) tungkol sa hindi umano paglalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito.

Ang ulat ay ginawa ni Malou Mangahas, PCIJ executive director at host ng public affairs program ng GMA network na “Investigative Documentaries”.

Sa ulat ni Mangahas, binanggit diumano ni Ombudsman Samuel Martires na maaaring makuha ang SALN ng Pangulong Duterte mula sa Office of the President at sa opisina ng Executive Secretary. Nakasaad din sa ulat na sinabi daw ni Ombudsman na “complicated matter” ang tungkol sa SALN.

Ngayon ay sumagot na si Ombudsman Martires sa ulat ni Mangahas at inakusahan ang mamamahayag na lumabag sa Anti-Wiretapping Law dahil hindi naman daw humingi ng permiso si Mangahas na magsagawa ng interview.

Ayon kay Martires, galing umano siya sa isang “health break” nang dumalo siya sa isang anti-corruption summit sa Diamond Hotel. Dito daw siya nilapitan ni Mangahas at nagpakilala itong reporter ng GMA. Rebelasyon ni Ombudsman Martires, hindi daw kumbidado si Mangahas sa naturang okasyon.

Buwelta pa ni Martires, ginamit daw siya ng mamamahayag upang batikusin ang Executive Order ni Pangulong Duterte tungkol sa Freedom on Information.

“Hindi niya sinabi na ako ay nais niyang makapanayam dahil kung nagpaalam siya, hindi ako magpapaunlak. Sa unang tanong pa lang niya tungkol sa SALN ay diretsahan ko ng sinabi na masalimuot ang isyu ng SALN at kung maaari ay sa ibang araw na lamang kami magusap at isa pa, kung maaari ay sa opisina ko na lamang ito pagusapan… for the record, hindi humingi ng consent mula sa akin bilang interviewee si Ms. Mangahas para i-record ang aming kaswal na paguusap. Sa ganang akin, hindi lamang niya nilapastangan ang aking pagkatao ngunit nilabag pa niya ang anti-wiretapping law,” sabi ni Ombudsman Martires sa isang pahayag.

Source: Office of the Ombudsman | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén