Local News

Journalist na Nambastos ng Gov’t Official, Bayaran at Maluho ang Pamumuhay?

“Kilala rin ang ating bida na mouthpiece ng ilang oligarch na dati niyang financier nang itayo nila ang isang kunong samahan ng mga ‘crusading journalists'”

Isang blind item na artikulo ang isinulat ng mamamahayag na si Den Macaranas patungkol sa kasamahan niya sa industriya na may maluhong pamumuhay.

Ayon kay Macaranas, nagpapanggap umano ang naturang investigative journalist na may pinaglalaban pero sa totoong lang daw ay mouthpiece ito ng mga oligarchs at mga tusong negosyante. Sa tamang halaga din daw ay gumagawa ito ng mga negatibong propaganda laban sa gobyerno.

Ang naturang investigative journalist umano ay mahilig gumala-gala sa ibang bansa kasama ang kabiyak na minsan daw nitong ina-appoint bilang editor noong boss pa sa isang malaking broadsheet.

Ilan sa mga ibinigay na clue patungkol sa mamamahayag na ito ay ang pagiging kilala nito sa larangan ng investigative journalism at sa kasong posibleng kaharapin nito dahil umano sa pambabastos sa isang government official.

“USAP-usapan ngayon sa isang TV network ang ginawang pambabastos ng isang mamamahayag sa isang government official na bigla niyang isinalang sa isang ambush interview. Alam kasi ng mga kasamahan niya sa industriya na may motibo si madam sa ginawa niyang biglaang interview sa opisyal na ang totoo naman niyang target ay siraan ang mataas na lider ng pamahalaan… Marami pa naman ang bilib sa ating bida dahil sa husay niyang investigative journalist pero lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging attack dog nito ng ilang mga tusong negosyante sa bansa. Ang bida sa ating kwento ay si Miss M…as in Medusa,” sabi ni Macaranas.

Source: Bandera Inquirer | Archive

Leave a Reply