Local News

Huli sa CCTV! Journalist, Nanampal ng Babae sa Kalagitnaan ng Raid!

Isang reporter ngayon ang pinuputakte ng batikos sa social media dahil sa ginawa nitong pananampal sa isang ginang.

Tila inilagay ng mamamahayag na nakilala na si Benjie Talisic sa kaniyang mga kamay ang batas matapos nitong manampal ng isang babae dahil sa diumano’y wala itong face mask. Sapul na sapul sa CCTV ang ginawang pananakit ni Talisic at agad kumalat sa internet. Ilang mga bata din ang nakakita ng ginawa ng reporter.

Ayon sa post ng Cebu Social Media, nangyari ang pananakit sa kalagitnaan ng raid na isinasagawa ng PDEA .

Hindi nagustuhan ng mga netizens ang asta ni Talisic at sinabi na walang karapatan ito na gawin iyong sa kanyang kapwa kahit na lumabag man ito sa ipinapatupad na rotocols ng gobyerno.

Nagbigay ng mensahe si Talisic sa kanyang mga kababayan. Humingi naman ito ng paumanhin sa kanyang nagawa, ngunit binatikos pa rin ng mga netizens ang tila pagtatangol niya sa kanyang sarili. Buti na nga lang daw at may CCTV kundi ay maaring makalimutan na lamang ng mga tao ang ginawa ng reporter.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang pahayagang pinagta-trabahuhang ni Talisic at ang babaeng nasampal nito.

Humingi naman ng tulong sa Raffy Tulfo ang mga tao upang mabigyan ng leksyon si Talisic.

Source: Lite Radio Cebu | Cebu Social Media | Benjie Talisic

Leave a Reply

Theme by Anders Norén