Local News

Jover Laurio, Todo-Tanggol kay Jim Paredes! Binanatan ang DU30 Supporters!

Isa-isa nang sumusulpot ang mga tag-suporta ng Liberal Party (LP) para ipagtanggol ang mang-aawit at LP supporter na si Jim Paredes sa kinasasangkutan nitong kontrobersiyal na video kung saan makikita itong naglalaro ng kanyang pototoy.

Naglabas na ng reaksyon ang kapwa singer at LP supporter ni Jim na si Leah Navarro. Gusto ni Navarro na makasuhan daw ang mga nagpakalat ng video.

Isa pa ngayon na todo-tanggol kay Jim ay ang anti-government blogger na si Jover Laurio o mas kilala sa tawag na Pinoy Ako Blog (PAB). Ayon kay PAB, ang mga taga-suporta daw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang totoong ipokrito dahil pinapalakpakan daw ang “kabastusan” ng Presidente pero nandidiri daw sa paglalaro ni Jim sa kanyang ari.

“Tinatawag niyong ipokrito si Jim Paredes? Dahil disente pero nagjajakol? Kayo yung mga ipokrito. Kasi nandidiri kayo kay Jim pero pinapalakpakan niyo ang kabastusan ni Digong,” boladas ni Laurio.

Ang mga pinagsasabi ni Laurio ay nauna nang pinabulaanan ng mga taga-suporta ng Pangulo. Ayon sa mga sumusuporta sa Presidente, wala silang pakialam sa pribadong buhay ni Paredes. Pero ang pinupuna nila ay ang pagmamalinis ni Paredes tuwing binabatikos nito ang kilos at pananalita ng Pangulo.

“Lahat naman tayo merong pribadong buhay. Ang problema kasi yung pagiging pagmamalinis mo (Jim Paredes). Ilang beses mo tinira ang Pangulo sa kanyang mga salita at gawa na may kaugnay sa babae yun pala ikaw ang ganun. Mr. J. Paredes alam mong alam ko ang tunay mong pagkatao.,” sabi ni former PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

“What was disgusting was his Holier Than Thou attitude against a lot of us. Typical of disente folks who think they aren’t dirty like the rest of us,” banat ng University Lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot.

Noong Enero, nasangkot din si Laurio sa #PABoost controversy matapos aminin ni Kris Aquino na pinopondohan niya si Laurio para magsulat. Si Kris ay kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino na miyembro naman ng Liberal Party.

Source: Mocha | Sass | PAB | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén