Local News

Judge na Pumigil sa Pag-Aresto kay Trillanes, Posibleng Makasuhan ng ‘grave abuse of discretion’

“We believe there was grave abuse on the part of the presiding judge,”

Maaring maharap sa kasong “grave abuse of discretion” si Makati City Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano dahil sa pagharang nito sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes.

Sa sulat ni OIC Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa opisina ng Solicitor General, hiniling nito ang paghahain ng reklamong “petition for certiorari” laban kay Judge Soriano.

“A petition for certiorari under Rule 65 of the Rules of Court questions the lack or excess of jurisdiction of a tribunal, or the grave abuse of discretion in the exercise of its jurisdiction,” ayon sa ulat ng ABS-CBN

Matatandaang naging usap-usapan si Judge Soriano ng mga netizens nang ibuko ni former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na isa pa lang appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang hukom.

“Ahhhhhhhh kaya…..kala ko tonyo dinaanan ka ng suwerte kang kumag ka….” sabi ni Paolo noong hindi payagan ni Judge Soriano ang paglalabas ng warrant of arrest laban kay Soriano.

Source: ABS-CBN | Vice Mayor Pulong Duterte – Official

Leave a Reply

Theme by Anders Norén