Local News

Kaanak ng Biktima sa Tarlac Shooting Incident, Dinepensahan si PDU30!

Naging laman ng balita ngayong nagdaang mga araw ay pamamaril ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony. Sa viral video na kumalat, makikita si Nuezca na walang pakundanagang binaril ang mga biktima habang nasa kalagitnaan ng pagtatalo.

Ang insidente ay agad sinakyan at ginatungan ng mga kritiko ng Duterte Administration. Ang ilang human rights group, opposition politicians at Makabayan Bloc members ay sinisisi si Pangulong Duterte sa nangyari.

Pero iba ang pahayag ng kaanak ng mga biktima. Para kay Mang Florentino, asawa ni Ginang Sonia,lubos daw silang nagpapasalamat kay Pangulong Duterte.

“Malaking bagay yun, lalo na Presidente natin yun eh. Siya ang pinaka-ano natin sa bansang ito. Talagang nagpapasalamat ako sa President sa pag-ano niya sa aming pamilya. Malaking bagay yon sa amin,” sabi ni Mang Florentino.

Naniniwala din ang kaanak ng biktima na hindi malakas ang loob ni NUezca na mamaril dahil kay Pangulong Duterte.

“Ang Presidente naman, ang proteksyonan ni Presidente Duterte ang matitinong pulis, hindi yung katulad ni Nuezca dahil nakita naman ni Presidente ang mga pangyayari na ano, hindi nga karapat-dapat na pulis ‘yan,” ani Mang Gregorio.

Sa kaniyang public address, ipinaalaala ng Presidente sa mga pulis na hindi niya poprotektahan ang mga ito kung gagawa ng labag sa batas. Ipinag-utos din ng Pangulo na huwag papakawalan si Nuezca.

“T******* ‘yung g*go na ‘yun. ‘Di ba sinabi ko, you do it right, I’m with you. You do it wrong, and there will be hell to pay. ‘Yun ang sinabi ko sa aking SONA… he should not be allowed to go out because double murder ‘yon eh. Double murder is a serious offense, a grave offense. So from the time you are arrested up to the time that you are haled to court to answer for the death of those two persons, innocent ones, walang bail ka. So ‘pag nahuli ka, diretso-diretso na ‘yan. And I don’t think that you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV pati ako napanganga. Kawala walang kwenta. That’s unfair and brutal masyado,” saad ng Pangulo.

Source: Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén