Local News

“Kabastusan ang Tinuturo mo!” Leni, Maninindigan Laban Kay PDU30!

Nagpakawala ng boladas si Vice President Leni Robredo laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa mga tagasuporta ng Punong Ehekutibo. Ayon kay Robredo, handa daw siyang lumaban kapag binabastos siya.

“Kapag binastos ako, lalaban ako. Kapag binastos mo ako lalaban ako kasi kailangan kong maging halimbawa, eh. Kailangan ko maging halimbawa sa ibang mga kababaihan na nababastos din… Kung sa pambabastos hahayaan ko iyon, ano iyong mensaheng binibigay ko? Na okay lang iyon? Na okay lang iyon dahil lalaki kayo? Na okay lang iyon dahil Pangulo kayo? Hindi dapat ganoon,” patutsada ni Robredo.

Angal pa ni Robredo, ehemplo daw ng kabastusan si Pangulong Duterte. Natuturuan daw ng Pangulo ang mga tagasuporta nito na maging bastos.

“Hindi magandang halimbawa kahit iyon iyong natural mo. Kahit iyon iyong natural mo, hindi iyon katanggap-tanggap kasi maraming tao iyong nag-a-appreciate sa iyo, nag-a-idolize sa iyo. Tinuturuan mo ng mga bagay na una, kabastusan… Tinuturuan mo ng mga bagay na hindi maganda. Eh makikita natin ito, Deo, dahil iyon siya, iyong mga supporters na kumakampi sa kaniya ganiyan din. Iyong mga posts sa social media talagang lahat kabastusan,” kuda pa ng bise presidente.

Matatandaang nagbabala si Pangulong Duterte laban kay Robredo. Buwelta ng Presdiente, kung sakali daw tumakbo sa pagkapresidente si Robredo sa 2022, may mga ilalabas itong mga rebelasyon laban sa bise presidente.

“I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied making her incapable of truth. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo… While you were making calls, nagche-check ka pakunwari… Alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun. Wala kang… Times of emergency, ako lang pati ang military. It’s between me and military pagka pulis. Iyan lang sila kami mag-ano… So huwag ka masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstanding coming up with… Matagal na talaga akong maraming sabihin sa iyo pero ireserba ko na lang. When you start your campaign kung magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. Well, this is your bad — this is your nightmare. Sabi ko pagka-incompetent mo and you were lying,” buwelta ng Pangulo Duterte.

Source: GMA News | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén