Local News

‘Kabobohan ang Pagsampa ng Kaso laban sa Lider ng Simbahan!’ – Bishop

Para kay Bishop Teodoro Bacani J., ang pagsasampa ng kasong sedisyon laban sa mga church leaders ay isang kabobohan. Ito ang reaksyon ni Bacani sa pagsasampa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa ilang miyembro ng oposisyon at ilang pari.

“That shows how stupid the police are, madali silang lokohin,” sabi ni Bacani sa isang panayam sa Radyo Veritas.

Banat ni Bishop Bacani, walang katotohanan ang mga alegasyon laban sa kanya dahil sa wala daw kredibilidad ang testigo.

“The witness [Bicoy] is completely unbelievable, it could be stupid for them [police] and they look stupid before the world if they file the charges based on the comment of that person because he is completely untrustworthy,” boladas ng obispo.

Nitong Biyernes, kinasauhan ng PNP-CIDG sa Department of Justice (DOJ) sina Vice President Leni Robredo, former senator Antonio Trillanes at Bam Aquino, senator Risa Hontiveros at Leila De Lima, ilang miyembro ng Otso Diretso senatorial candidate at ilan pang personalidad sa oposisyon. Kasama rin sa kaso ang ilang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ilang pari.

Ang kaso ay kaugnay sa black propaganda video series na ikinalat noong panahon ng kampanya para siraan ang pamilya ni pPangulong Rodrigo Duterte at iugnay ang mga ito sa kalakalan ng droga. Ilan sa mga paksa sa videos ay ang koneksyon umano ng ngayoy’ senador na si Bong Go sa sindikato ng droga. Hindi rin pinalagpas ang bunsong anak ni Pangulong Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte at inakusahan din ito na tumatanggap ng payola sa droga.

Si Peter Joemel Advincula, Ang lalaking nagpakilalang si “alyas bikoy” sa video series ay lumantad noong huling bahagi ng Abril sa pasilidad ng IBP para idiin ang mga Duterte sa negosyo ng droga. Matapos ang eleksyon ay muli itong lumantad para bumaliktad at isangkot ang ilang miyembro ng oposisyon at mga pari na sa “Bikoy “videos.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén