Local News

Kagawad na Nahuling Kumurakot sa Ayuda ng Gobyerno, Galit na Minura ni PDU30!

Nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ginawa ni Kagawad Danilo Flores matapos mag-viral ang video nito na hinahati ang social amelioration program (SAP) ng gobyerno para sa mahihirap. Hindi napigilan ni Pangulong Duterte na murahin ang kagawad.

Magugunita na sa footage na kumalat ay mapapanood si Flores na sinasabihan ang mga benepisyaryo ng SAP na P3,000 lang ang makukuha nila dahil ang P3,500 ay mapupunta sa alkalde para ibigay sa mga hindi pa nakakatanggap ng ayuda. Itinanggi naman ni Mayor Raulito Manlapaz ang mga pinagsasabi ni Flores at sinabing wala siyang kinalaman sa “raket” ng naturang barangay official.

“Sinabi ko na sa inyo noon, “huwag sa panahong ito.” Mayroong mga… Wala akong na — I have — basta local government employees. Lahat naman tayo workers eh. Diretsuhin na natin, local government workers. I do not want to — to mention titles here. Mayroon sinabi ko na sa inyo, “huwag ninyo — do not…” ‘Lang kay… Good boy ako ngayon. [laughter] Hindi ako magmura. Sinabi ko na sa inyo na kung may gawin kayo, huwag sa panahong ito.

…Iyong mga mayors naman, kindly — kindly look into the people that you have commissioned to do the distribution sa pera.

Kagaya nitong Barangay Kagawad Danilo Flores ng Agustin, Hagonoy, Bulacan. Ang p***** i** mo, nakuha ka pa ng television na may ano doon grab o it’s not grab — it’s a — actually a… Nakuha ka na hinihingi mo… Susmaryosep. Mahirap na nga, ikaw may trabaho ka na, kagawad ka, ang p***** i** kukunin mo pa ‘yung pera ng mahirap.

I’d like to presume that you were elected because your constituents find you to be a man of integrity, honesty, and that you can perform,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Si Flores ay dinakip na ng kapulisan matapos iutos ni Pangulong Dutertre. Sasampahan ito ng kasong graft.

Source: RTVM | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: