Local News

Kahit Expired ang Franchise, ABS-CBN Papayagan Mag-Operate ng mga Congressmen?

Para kay Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano, maaari pa rin daw ituloy ng ABS-CBN ang operasyon nito kahit mapaso na ang prangkisa sa Marso 30, 2020. Ito ang napag-usapan umano ng mga kapwa niya kongresista sa ginawa nilang briefing.

“May I remind the public that even if the ABS-CBN’s franchise expires on the said date on March, it does not mean that ABS-CBN will close completely because the rule of thumb, and I believe this in the committee – and we were briefed on this – is that while this 18th Congress is still ongoing, hindi po titigil ang services ng ABS-CBN hanggang po matapos ang 18th Congress,” sabi ni Congressman Albano.

Sinisigurado niya raw sa mga tao na didinggin nila ang mga nakabinbin na panukalang batas na may kaugnayan sa franchise renewal ng media outlet.

“We assure the public later on that we will hear the case because our chairman and the leadership of the House, in particular, have been closely monitoring the events but we also have a lot of other issues to tackle before we can tackle the ABS-CBN franchise,” dagdag pa ni Congressman Albano.

Si Congresman Albano ay ang chairperson ng House Committee on Legislative Franchises.

Magugunita na ilang mambabatas na rin ang naghain ng panukalang batas para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Ngunit hanggang ngayon ay walang pang isinasagawang pagdinig ang kongreso ukol dito.

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte naman ay makailang beses ng nagsalita sa publiko na haharangin niya ang pagpapalawig ng prangkisa ng media outlet.

Kahapon ay naghain naman si Solicitor General Jose Calida ng “quo warranto” petition para kanselhain ang prangkisa ng network. Ayon kay Solicitor General Calida, nakitaan nila ng paglabag at pag-abuso ang ABS-CBN.

“We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years,” pahayag ni Solicitor General Calida.

Source: Inquirer | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén