Local News

‘Kahit Ibigay niyo ang ABS-CBN Franchise, Hindi ko sila Papayagan Mag-Operate!’ – PDU30

Magugunita na nitong pagsisimula ng 2021 ay naging maugong ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. Matatandaang naghain ng kaniya-kaniyang panukalang batas sina Senate President Tito Sotto at Congresswoman Vilma Santos para mabigyan ng prangkisa ang kapamilya network. Maging ang kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco na si Congressman Lito Atienza ay panay kuda tungkol sa pagpapanumbalik ng Kapamilya network.

Pero ngayon gabi ay tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang usapin. Ayon sa Presidente, kahit bigyan pa raw ng prangkisa ang nasabing istasyon ay hindi niya ito papayagan na makapagsagawa ng operasyon.

“Congress is planning to restore the franchise. Wala akong problem kung i-restore ninyo but I will not allow them to operate. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate… Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate,” sabi ni Duterte.

Ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa ay ibinasura ng kongreso na noo’y nasa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano. Ilan sa mga nakita nilang paglabag ng istasyon ay ang hindi makatarungang pagtrato sa mga empleyuado, tax avoidance, pagbebenta ng black box at iba pa.

“It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… Such a scenario is totally inconsistent with the nature of legislative franchises as a mere privilege and never a matter of right. Wherefore, in view of the foregoing, the technical working group respectfully recommends the DENIAL of the franchise application of ABS CBN Corporation,” sabi sa resolusyon ng komite ng kongreso.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén