Local News

Kahit Naturukan ng Dengvaxia, Kitty Duterte Nagkasakit ng Dengue!

Pagkauwi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa kanyang matagumpay na pagbisita sa bansang Russia ay agad nitong tinungo ang anak na si Veronica “kitty” Duterte na dinapuan ng dengue. Si Kitty ay ang tanging anak ni Pangulong Duterte sa kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña.

Ang impormasyon na ito ay kinumpirma mismo ni Senador Christoper “Bong” Go. Ayon sa dating Special Assistant to the President, lubos ang naging pag-aalala ng Pangulo habang nasa eroplano ito at pauwi na sa Pilipinas.

“Nakikita ko habang nasa eroplano kami, nag-aalala siya. Parati niyang iniisip at ‘di nga raw siya po makatulog sa haba ng flight. For 11 hours ay ‘di siya mapalagay dahil iniisip niya ang youngest daughter,” sabi ni Go.

Ayon pa kay Senador Go, nalaman lang daw ng Presidente na dinapuan ng dengue ang anak nito habang nasa Russia. Bumagsak din daw sa 52 ang platelet count ni Kitty.

“I think around 52 pero unti unti na hong bumabalik sa normal. Right now mayroon pa siyang dengue fever,” sabi pa ni Go.

Noong 2018 ay ibinahagi ni Go na naturukan ng kontrobersyal na dengvaxia vaccine si Kitty at ang dalawang apo ni Pangulong Duterte.

“May nagtanong kanina kung na-inject raw ba si Kitty at ‘yung dalawang anak ni Paolo, kinonfirm naman po ng mga nanay nila na positive po na-inject po,” sabi ni Go noong nakaraang taon.

Sa panayam naman ng The Star kay Pangulong Duterte, sinabi ng Pangulo na nasa ligtas na level na ang kanyang bunsong anak.

“I have to go see Kitty. She has dengue. But she is already on the safe level,” sabi ng Pangulo.

Base sa impormasyon ng Department of Health, umabot na raw sa 322,693 ang kso ng dengue sa Pilipinas mula Enero 1 hanggang Setyembre 26. Pumalo naman daw sa 1,272 pasyente ang binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit.

Source: Philstar | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén