Local News

“Kainin ko pa iyang Ashfall” PDU30, Bumiyahe sa Kabila ng Delikadong Abo ng Taal Volcano!

Hindi nagpatinag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hazardous particles na dulot ng abo ng nagaalburotong Bulkang Taal nitong umaga ng Lunes. Magugunita na lumipad mula Davao City patungong Maynila si Pangulong Duterte nitong umpisa ng Linggo.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., hindi raw inalintana ni Pangulong Duterte kahit puno ng abo ang himpapawid. Inabisuhan niya rin daw ang staff ng Pangulo na huwag bumiyahe pero hindi raw natakot ang Pangulo sa maaaring panganib.

“He flew when all flight were cancelled because thae air is saturated with ash. I suggested to his staff not to but he is indifferent to risk,” sabi ni Foreign Affairs Secretary Locsin.

Sa panayam ni Pangulong Duterte sa ilang media, nagbiro ang Presidente na kakainin niya daw ang abo at wiwisikan niya ng ihi ang Bulkang Taal.

“Kainin ko pa ‘yang ashfall na ‘yan. T*** Pati Taal, ihian ko pa ‘yan, bwisit na ‘yan. Doon ako sa crater (iihi),” banat ni Pangulong Duterte.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na gagamitin ang lahat ng resources ng gobyerno para rumisponde sa kalamidad dulot ng Bulkang Taal.

“We have anticipated it and pati ‘yung mga Marines ko, ‘yung mga sundalo ko nandoon [my Marines and my soldiers are there.] And the resources, I said, are there. And ‘yung mga [the] forward supplies, they were carried over there 24 hours since it first exploded,” paliwanag ng Pangulong Duterte.

“Mayroon tayong pera. Kaya huwag nating ubusin sa corruption. It is not for your pocket, it is intended for the public,” dagdag pa ni Presidente Duterte.

Ngayong araw ay planong tumungo ni Pangulong Duterte sa Batangas upang magsagawa ng inspeksyon. Ito ay sa kabila ng pagbabawal sa kanya ng kanyang doktor dahil sa maaaring maging epekto ng abo sa kalusugan ng Presidente.

Source: News5 | News5 | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén