Local News

Kalamidad Sinamantala? Presyo ng N95 Mask, Ginawang P200 Kada Piraso ng mga Negosyante?

Nakarating sa kaalaman ng pamahalaan lungsod ng Maynila ang sumbong ng ilang kababayan natin patungkol sa ginagawang pananamantala ng ilang negosyante sa panahon ng kalamidad.

Ang mga reklamong ipinadala ng ilang netizens kay Acting Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan ay kaugnay sa bentahan ng N95 mask na kailangan para malaban ang vulcanic ash na dala ng pagaalburoto ng Taal Volcano.

Kung noon daw kasi ay ibinebenta lamang ito ng P20 hanggang P30, ngayon ay umabot na raw sa P200 ang presyo ng isang pirasong N95 mask.

Nagbigay na ng direktiba si Acting Manila City Mayor Lacuna-Pangan sa Manila Bureau of Permits at Manila Licenses Office upang siyasatin ang mga negosyong nagbebenta ng N95 mask.

“Huwag naman po natin gamitin ang panahon na ito para manamantala. Tandaan po natin, delikado po sa kalusugan nila ito,” sabi ng Lacuna-Pangan.

“Ayaw ko pong makakita ng pasyenteng may asthma na itinakbo sa ospital dahil lang hindi siya makahanap o makabili ng mask,” dagdag pa ng opisyal ng lungsod ng Maynila.

Nakatanggap na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) ng sumbong tungkol sa overprized na mga N95 mask. Pinakilos na ng ahensiya ang mga tauhan nito upang inspeksyunin ang mga retailers.

“It has been reported that some retailers have jacked-up their prices of face masks and gas masks, taking advantage of the surge in demand of these products due to the recent eruption of Taal Volcano,” sabi ng DTI.

Nagbanta ang ahensiya na hindi sila mag-aalinlangan na magsampa ng kaukulang asunto sa mga negosyong nananamantala sa panahonng kalamidad.

“DTI will not hesitate to file administrative and criminal charges against unscrupulous business entities and individuals, who capitalize on the consumers’ urgent need for their own profit… Those found to have unreasonably increased their prices for gas masks, face masks and other similar items, which act is tantamount to profiteering, shall be dealt with to the fullest extent of the law,” babala ng DTI.

Source: Manila Public Information Office | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén