Local News

Kaldero, Ginawang Helmet ng Angkas ng Motorcycle Rider! Arestado ang Inabot!

Inaresto ang ang angkas ng motorcycle rider sa Tuguegarao matapos nitong gamiting helmet ang kaldero.

Ayon sa ulat, hinuli ang lalaki dahil sa paglabag nito sa “No Helmet, No Travel” policy ng syudad. Pagmumultahin din ang lalaki ng P200.

Dumipensa naman ang lalaki at sinabing wala siyan pera para makabili ng helmet kaya naisipan niya na gamitin ang kaldero bilang proteksyon sa kanyang ulo. Hindi naman tinanggap ng kapulisan ang palusot ng lalaki. Napag-alaman din na kapwa lasing ang angkas at ang rider ng motorsiklo noong nahuli ang mga ito.

Nakilala si kaldero man na si Rodolfo Chavez Jr., isang security guard at residente ng Solana, Cagayan.

Ayon kay Head of the Public Order and Security Unit Tuguegarao Maj. Vhince Blancad, insulto sa batas trapiko ang ginawa ni Chavez.

Suspendido din si Chavez sa trabaho nito dahil sa ginawang paandar. Ayon sa operations manager ng security agency na si Rhandy Furigay, ang suspensiyon ay maaring tumatagal ng isang buwan o hanggang 6 na buwan.

Panoorin pa ang isa pang video ng dalawang lalaki.

Iba’t-ibang reaksyon ang inani ng pakulo ng dalawang lalaki. Mayroong ibang natawa lang sa ginawa ng magka-angkas.

“Sa totoo lang natawa ako dhil sa kaldero hehehe… pero tama po sir police dahil mali po tlaga gawin helmet ang kaldero. Sumunod po tayo sa batas,” sabi ni M. Benaojan.

“Noon helmet nilagyan ng ulam ngayon kaldero ginawang helmet ano na ba nangyayari sa pilipinas 😂,” sabi ni E. Tulabot.

May ilan naman tayong kababayan na nainis sa ginawa ng dalawa.

“Pulpok nyo sa ulo nya yan. Pang aasar sa mga otoridad yan e. Wala pambili helmet. Pero motor meron. Ugok e,” sabi ni J. Pastrana.

“Not funny. I’ll call it stupidity. To the nth level. O nagpapapansin lang yan,” sabi ni B. Serrano.

Source: 98.5 i-FM Cauayan | GMA News | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén