Local News

Kaluluwa ni Dacera, Nakipag-usap nga ba ng Paranormal Expert?

Kamakailan lang ay inilibing na si Christine Dacera, ang flight attendantna pumanaw noong bagong taon sa isang hotel.Ang pagpanawni Decera ay nag-iwan ng marming katanungan, Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang kaibigan at kaanak nito na mabibigyan ng linaw ang nangyari sa dalaga.

Para malaman kung ano ba ang nangyari kay Dacera, may ilang tao na gumagawa na ng kakaibang pamamaraan. Isa na dito ay ang nagpapakilalang paranormal-expert na si Gold Rush. Ayon sa paranormal expert, marami daw siyang mga Pilipino tagasubaybay gusto ng kausapin niya si Dacera.

Sa kaniyang Youtube channel, ipinakita ni Gold Rush kung paano niya naka-usap si Dacera. Gumamit ito ng mga aparato para makipag-ugnayan sa mga sumakabilang-buhay. Sa pamamagitan nito ay nakapagtanong siya sa mga espiritu sa paligid niya. sa isang bahagi ng video, kinumpirma ang presensiya ni Dacera. Dito na tinanong ni Gold Rush ang kaluluwa ni Dacera kung ilan ang suspek na bumiktima sa kaniya at dito na naging nakakakilabot ang eksena.

May ilang netizens naman ang diskumpiyado sa ginawa ng paranormal expert. Ginagamit lang daw nito ang kaso ni Dacera upang makahakot ng views sa kaniyang video.

Source: Gold Rush Parnormal

Leave a Reply

Theme by Anders Norén