Local News

Kamatayan Bloc, Binansag sa Makabayan Bloc? Army Official, Hinamon ang mga Leftist Congressmen!

Sa kanyang serye ng mga social media posts, binanatan ni Army Official Antonio Parlade ang mga makakaliwang kongresista na miyembro ng Makabayan Bloc dahil sa diumano’y pagharang sa pondo na nakalaan public service. Tinawag din niya ang mga kongresista na Kamatayan Bloc.

“Hadlangan man ng Kamatayan Bloc ang budget na dapat sana ay nakalaan para sa mga serbisyong sinasabi nilang pinagkakaitan ng taongbayan, pigilan man nla ang paggawa ng farm to market roads at mga tulay, kung gusto nila, sa bandang huli, ang sarili nilang mga kasamahan ang huhusga sa kanila. Ang katotohanan ang mananaig, Walang katumbas na halaga ang katotohanan at hindi pwedeng supilin ng kahit sino ang pagpapahayag nito,” buwelta ni Parlade.

“With or without budget, Kamatayan Bloc and the CPP will collapse. Truth is free.
While the Kamatayan Bloc members are desperately haggling to block the budget of the NTF ELCAC, nine (9) NPA members of the Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) returned to the folds of law in several areas. Five (5) Communist Terrorists Group ( CTG) members including @Darwin, VIL of Pltn 2, Kilusan Larangan Guerilla (KLG) Narciso, Sub Regional Military Area (SRMA) 4D surrendered in Kalayaan Laguna and Gen Nakar Quezon, bringing along three firearms. On the same day, four (4) NPA terrorists of Pltn Aque, KLG MAV, SRMA 4D in Monteclaro, San Jose Mindoro did the same,”
dagdag pa ni Parlade sa post niya noong Sept. 17.

Sa kanyang hiwalay na post, hinamon pa ni Parlade ang mga makakaliwang kongresista ng debate at kung bakit hindi sila dapat i-redtag.

“Mga kagalang-galang na representante ng Kamatayan Bloc, papaano ninyo maipapaliwanag ang pagkamatay bilang NPA ng kabataang miyembro ng Gabriela? Palagi na lang ganito ang nangyayari sa mga “aktibista” ninyo. Kung nasa mga protesta lang sana at hindi nag-armas at namundok, mapapalayo sana sa kapahamakan, Pwede niyong ipaliwanag sa debate kung talagang hindi kayo dapat i-redtag.” banat pa ni Parlade.

Source: Army Official Antonio Parlade | Army Official Antonio Parlade | [3]

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: