Local News

‘Kami nga biglaan tinanggal ng ABS-CBN! Ano Pinagkaiba namin sa mga Manggagawa ngayon?’ – Former ABS-CBN Worker

Sa paghain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN ay umugong muli ang usapin kaugnay sa posibleng pagsasara ng Kapamilya Network.

Dahil sa nangyari, ilang sikat na personalidad mula sa showbiz ang nagsalita at ginamit na sangkalan ang mga maliliit na manggagawa ng kumpanya. Ayon sa mga artistang ito, kawawa naman daw ang mga maliliit na empleyado kung tuluyan ngang magsasara ang media outlet.

Ang mga boladas na ito ng mga artista ay binutata ng nagpakilalang dating empleyado ng ABS-CBN. Ayon kay Christopher Mendoza, ano raw ang pagkakaiba nila sa mga manggagawa ngayon. Mas mabuti nga daw ang mga empleyado ng ABS-CBN ngayon dahil nalaman na agad nila ang posibilidad ng pagsasara ng kumpanya, habang siya at ang mga kasamahan niya dati ay bigla na lang daw tinanggal.

“June 2010 nang ipaglaban namin ang karapatan namin bilang isang mangagawa, ano ang pinagkaiba ng 100+ na mangagawang tinangal noon at sa sinasabi ng mga artista ngaun na maraming apektado kung sakaling masara ang abs eh pare pareho namang tao kami nga biglaan tinangal samantalang kyo last year pa ng ipaalam na pwedeng masara abs so nakapaghanda na kyo real talk lang mga kaibigan hindi nyo alam kung ano naging buhay namin noon may mga anak na pinagaaral, pinapakain parating pa kapaskuhan buti na lang hindi kami pinabayaan ni God,” sabi ni Mendoza.

Inilakip ni Mendoza sa kanyang social media post ang ilang litrato ng ginawa nilang pagkilos laban sa naging desisyon sa kanila ng ABS-CBN.

Ibinahagi naman isang blogger ang lumang ulat tungkol sa kilos-protesta ng mga manggagawa ng ABS-CBN.

Source: Christopher Mendoza | Banat By

Leave a Reply

Theme by Anders Norén