Local News

Kampo ni Leni, Binanatan ni Gadon tungkol sa Pagpalit kay DU30 kung Magdeklara ng Revolutionary War!

Sa isang video, tinalakay ng senatorial apirant Attorney Larry Gadon ang naging komento ng kampo ni Vice President Leni RObredo tungkol sa banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklar ito ng Revolutionary War. Magugunitang sinabi ng abogado ni Robredo na si Attorney ROmulo Macalintal na si Leni ang papalit na Pangulo kapag itinuloy ng Presidente angbanta nito.

Ayon kay Gadon, mali ang pagkaka-unawa ng abogado ni Leni.

“Mali ang sinasabi ni Attorney Romy Macalintal na pagnagdeklara ng revolutionary government si Presidente Duterte ay ang papalit ay si Leni Robredo. Maling-mali iyon. Unang-una ganito, kapag nagdeklara ng revolutionary government, ang mangyayari diyan ay binubuwag ang lahat ng istruktura ng gobyerno na nakatalaga sa present constitution upang magawa ng Presidente ang gusto niyang ipatupad na mga pagbabago. ‘Yung sinasabi ni Macalintal na si Leni ang papalit ay kapag nag-resign si Presidente Duterte during his term or siya ay incapacitated. Pero ‘yung revolutionary government tulad ng kay Cory Aquino matapos ang EDSA kudeta na kung saan iligal sila namayani ng gobyerno. ‘Yun ang pagkakaiba niyan,” sabi ni Atty. Gadon.

Ilohikal din daw na magdedeklara ang Pangulo ng revolutionary government kung si Leni lang din daw ang papalit.

“Bakit magdedeklara ng revolutionary government si Pangulong DUterte kung ang papalit ay si Leni Robredo? Napaka-illogical premise ni Attorney Macalintal. Dinadaan nila sa pagka-dilaw. Hindi sila nagsasabi ng totoo. Sa prinsipyo ng revlutionary government, binubuwag mo ang kalakaran at sistema para mapalitan ito ng pagbabago na gusto gawin ng Presidente. Nagagawa lang ito kapag kontrolado ng Presidente ang military at ang mamamayan naman ay pumapayag,” banat pa ni Gadon.

Matatandaang tinawag ni Pangulong Duterte na mahina at incompetent si Robredo.

Source: Atty Larry Gadon

Leave a Reply

Theme by Anders Norén