Local News

KAPA ‘Donors’, Gustong Ipa-IMPEACH si Pres. Duterte!

Isang grupo ng mga nagbigay ng donasyon sa Kapa Community Ministry International (Kapa Ministry) ang dumulog sa korte suprema para hilingin na baligtarin ang naging desisyon ng Securities and Exchange Commission’s (SEC) na ipasara ang naturang organisasyon.

Sa petisyon na inihain ng Rhema Int’l Livelihood Foundation or Cirfund (Cirfund) nitong nakaraang linggo, gusto ng grupo na pagbayarin ang Duterte Administration ng P3 billion para sa mga conpensatory damages.

Ayon pa sa gurpo, dapat daw ay ma-impeached si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Duterte and Aquino with their minions PNP (Philippine National Police), CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) and NBI (National Bureau of Investigation) confederated together, they rob the Petitioners, with the personal papers, money and properties owned by the church without due process of law, [a] culpable violation of the Art. III of the Constitution known as the Bill of Rights,” sabi sa petisyon.

Inakusahan pa ng grupo na walang alam sa batas ang ating Presidente.

“It is very discouraging on the part of the Petitioner Cirfund to discover that Duterte as a lawyer is ignorant of the law and as a President (sic),” sabi pa ng grupo.

Binanatan din ng grupo ang SEC dahil hindi daw pinakinggan angpanig ng KAPA at nakinig lang sa mga sabi-sabi.

Magugunitang ilabng beses binanatan ni pangulong Duterte ang operasyon ng KAPA at tinawag pa itong “continuing crime”.

“If it is too good to be true, it is really wrong… Don’t invest there, it’s a scam… Ang KAPA is a continuing crime. Until now they continue,” sabi ni Presidente Duterte sa isang talumpati sa General Santos City.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén