Local News

KAPA Member, Naglabas ng Sama ng Loob Laban sa Ginawa ni DU30

Naglabas ng sama ng loob ang kababayan natin na miyembro ng KAPA Ministry sa pagpapasara ng pamahalaan sa organisasyon.

Sa video na inilathala ni Lenie Cabusao sa kanyang social media account, makikita ang isang lalaking dismayado sa naging hakbang ng gobyerno na ipasara ang KAPA. Ayon sa lalaki sa video, isa raw ang KAPA sa inaasahan ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na tulad niya.

Ikinumpara din niya ang kalagayan ng mga KAPA member sa mga sumukong New People’s Army (NPA). Ayon sa kanya, mas mainam pa daw ang mga sumukong rebeldeng komunista dahil nabiyayaan pa daw ng gobyerno.

Nitong mga nakaraang araw ay naging laman ng balita ang pagpapasara ng pamahalaan sa KAPA. Ayon sa Pangulo, ang KAPA daw ay isang “continuing crime”.

“If it is too good to be true, it is really wrong… Don’t invest there, it’s a scam… Ang KAPA is a continuing crime. Until now they continue… Those who have already spent a lot with KAPA, I’m sorry. The operation will be stopped, or shall stop immediately,” pahayag ng Pangulong Duterte patungkol sa KAPA.

Source: Lenie Cabusao | Manila Bulletin | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén