Local News

Kapamilya Stars, Sanib-Pwersa! Gumawa pa ng Music Video para sa ABS-CBN Franchise!

Ibinida ng ABS-CBN ang pagsasamasama ng mga malalaking talents nito upang gumawa ng music video para sa pagsuporta sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ang music video ay inspired sa kanta ni Yeng Constantino na “Hawak Kamay”. Kasama sa video ang mga prominenteng artista ng Kapamilya network tulad nina Bea Alonza, Sue Ramirez, Piolo Pascual at Jericho Rosales. Ang video ay mula sa direksyon ni Johnny Manahan.

Ang prangkisa ng media outlet ay mapapaso na sa unang bahagi ng Mayo ngayong taon. Bukod sa pagkapaso ng prangkisa nito, naghain din si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN franchise para maibasura ito. Ayon sa opisina ni SolGen Calida, nakitaan umano ng mga paglabag at pang-aabuso ang Kapamilya network.

“We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years,” sabi ni Solicitor General Calida sa isang pahayag.

Magugunita na ilang ulit binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN at nagbabala na haharangin ang prangkisa nito. Isa sa mga rason ng Presidente ay ang hindi pagpapalabas ng istasyon sa kanyang campaign ads noong 2016 election season. Hindi rin nagustuhan ng Pangulong Duterte ang pag-e-ere sa anti-Duterte ads na pinondohan ni former senator Antonio Trillanes. Matatandaang na sa naturang anti-duterte ads ay gumamit pa ng mga menor de edad para magsalita laban sa noo’y alkalde ng Davao.

Sa isinagawang senate hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN nitong Pebrero, humingi na ng paumanhin ang Presidente at CEO ng Kapamilya network na si Carlo Katigbak kay Pangulong Duterte. Ang paumanhin ay tinanggap naman ng Pangulo pero nilinaw ng Palasyo na tuloy pa rin ang quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Source: ABS-CBN | TV Patrol

Leave a Reply

Theme by Anders Norén