Local News

Kapartido ni DU30, Gustong Masibak si Pacquiao!

Bumuwelta ang kapartido ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Atty. Melvin Matibag sa mga ikinikilos at pinagsasabi ni Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay Atty. Matibag, tila humahanay na si Pacquiao sa mga taga-oposisyon. Ipinaalala din ni Matibag kay Pacquiao na ang PDP-LABAN ay partido ni Pangulong Duterte.

“As I have already mentioned in my earlier statements. Senator Manny Pacquiao has long been singing the same tune with the opposition… He has aligned himself with the opposition. So he should be thinking of leaving the PDP Laban Party because this is President Duterte’s Party,” banat ni Matibag.

Sinabi ito ni Atty. Matibag matapos ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kaalaman ni Pacquiao sa foreign policy.

Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy kay Pangulong Duterte, sinabi ng Presidente na kailangan mag-aral muna si Pacquiao dahil kulang ang kaalaman nito sa foreign policy.

“It’s about foreign policy. I would not want to degrade him but next time, he should — study well first… Apparently this guy has a very shallow knowledge,” sabi ng Pangulo.

Magugunita na binanatan ni Pacquiao ang naging paninindigan ni Pangulong Duterte sa isyu ng West Philippine Sea.

“Narinig natin bago mag-election, sa pangangampanya, nung sinabi niya na mag-jet ski siya, dala yung watawat ng Pilipinas doon, e siyempre, kahit ako sa puso ko, ito na yung iboboto ko dahil ito yung dapat na presidente, kailangan natin, na pinaglalaban yung bansa natin,” boladas ni Pacquiao.

Source: Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: