Local News

Panoorin: Kapartido ni PDU30, Binabanatan na ang Gobyerno!

Source: Banat By | Ron Munsayac

Hindi pinalampas ng radio host/vlogger na si Byron Cristobal aka Banay By, ang naging ng boladas ng PDP-Laban member laban sa gobyerno.

Sa isa kasing social media post, binanatan ni PDP-Laban Executive Director & PIO Chair Ron Munsayac ang gobyerno tungkol sa lockdown at ekonomiya. Nagparinig din ito na kailangan daw ng lider ng ating bansa. Nagpasaring din ito tungkol sa tarpaulin o caravan.

Buwelta ni Cristobal, si Mayor Sara Duterte lang naman ang may mga tagasuporta na gaumgawa ng tarpaulin at nagpapa-caravan. Kaya kinukuwestiyon nito kung kinakalaban na daw ba ng PDP-LABAN si Panguong Duterte.

Si Munsayac ay isa sa mga kasama ni Senador Manny Pacquiao noong nagpa-presscon ito para almahan ang resolusyon ng ilang PDP-Laban members na nanghihikayat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang bise presidente.

Sa social media ni Munsayac, mkikita ang mga post niya tungkol sa kay Pacquiao.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén