Local News

Kapitan at Tresurera, Na-broadcast ang Pagtatalik sa Barangay Hall!

Huli sa camera ang ginawang kalokohan ng barangay captain at ng tresurera nito nang makaligtaan nilang takpan ang camera ng kanilang computer habang nagtatalik sa barangay hall. Kinilala ang kapitan na si Jesus Istil ng barangay dos sa Dasmarinas, Cavite.

Nagpatawag daw ang barangay ng zoom meeting upang pag-usapan ang pagtugon sa covid-19 pandemic pero imbes na mapagpulungan ang kanilang gagawing hakbang laban sa pandemiya ay laking gulat ng mga residente na mapanood ang pagtatalik ang dalawa. Ang masaklap pa ay asawa ng kumpare ni kapitan ang tresurera at si kapitan ay may asawa din.

May mga matatanda at bata din daw na nakapanood sa ginawa ng kapitan at tresurera nito. Kaya agad nagpatawag ng petisyon ang mga residente na alisin si kapitan sa pwesto.

“Ang petisyon namin ay ayaw na namin siyang manatiling umupo dahil sa karumal-dumal ginawa niya,” – resident #1

“Ang ginawa niya pangit eh. Nagkaka-isa kami na tanggalin siyang barangay chairman dahil sa ginawa niya,” – resident #2

“Siyempre hindi po iyon maganda bilang liderng barangay po namin. Dapat siya ang magbibigay ng magandang halimbawa sa kanyang nasasakupan,” – resident #3

Ayon kay Department of Interior and Local GOvernment Usec. RJ Echiverri, ipagbibigay alam daw nila sa kanilang legal department ang nangyari para mabigyan ng karampatang parusa si Kap.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén