Local News

“Karangalan ang Makumpara kay President Duterte” – Mayor Isko

“Nakakahiya po kay Pangulong Duterte. I am nobody compared to the President,”

Sa isang media conference, natanong si Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso patungkol sa kanyang reaksyon sa pagkukumpara ng ilang netizens sa kanya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito naman ay agad na sinagot ng alkalde ng lungsod ng buong pagpapakumbaba. Ayon kay Mayor Isko, isa raw karangalan ang maikumpara kay Pangulong Duterte.

“I am honored. Isang malaking karangalan. I am just one of 1,630-plus LGU (local government unit) local chief executives. There are about 1,600 mayors — more or less — in the country. I am honored, with all humility,” sabi ni Mayor Isko.

Pero agad din nilinaw ni Mayor Isko na hindi niya pa nahihigitan ang mga nagawa ni Presidente Duterte sa Davao noong alkalde pa ito ng naturang lungsod. Aminado din si Mayor Isko na marami pa siyang kailangan matutunan.

“Kung ikukumpara ako, hindi ako sapat. Kumabaga truck-truck ng bigas pa kakainin ko bilang Mayor ng Davao, especially during the troubled times…during the uncertainty in Davao in the late 80s and early 90s, we all know that… Whatever he did in Davao, eh wala pa sa ginagawa ko eh. Ako, nakaka labing limang araw pa lang. Eh yun inugat na ‘yun sa lokal na pamahalaan. I’m just happy. Malayo po ako,” ani Mayor Isko.

Itong nagdaang mga araw, humanga ng ilang kababayan natin sa mga pagbabagong ipinatupad ni Mayor Isko sa Maynila sa loob lang ng maikling panahon.

Dahil sa naging sagot ni Mayor Isko, sari-saring kwelang reaksyon ang naging tugon ng mga netizens sa sinabi ng punong lungsod ng Maynila sa Presidente ng Pilipinas.

“Dilawans left the earth,” sabi ni P. Go So.

“Magseselos dilawans nyan.. Lagi nyo na lang pinapaiyak ang dilawans,” sabi ni A. Corpuz.

“Continue your good job yan ang nakarapat sa mga taong maynila be brave for the good,” sabi ni M. Abadilla.

Source: Philippine Star | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén