Local News

Karapatan ng Amerika na Manawagan sa Paglaya ni De Lima, Banat ni Leni

Kung ang ilang opisyal ng gobyerno ay pumalag sa resolusyon na ipinasa ng mga Amerikanong senador upang ipinawagan ang pagpapalaya kay Senadora Leila De Lima, para kay Vice President Leni Robredo, karapatan daw ito ng banyagang bansa. Si De Lima ay kapartido ni Robredo sa Liberal Party.

“Iyon, karapatan nilang gumawa ng suhestiyon; karapatan din natin na magdesisyon. Pero para pigilan natin sila sa pagpasa nito, wala din iyon sa ating kapangyarihan… Kasi nasa kanila naman iyon kung anong gusto nila…‘di ba… kung anong polisiya iyong gusto nilang itulak,” sabi ni Robredo sa kanyang radio show na “BISERbisyong Leni”

Ang US resolution upang iurong ang kaso at palayain si De Lima ay inakda ng mga Amerikanong Senador na sina Dick Durbin and Edward Markey. Ang resolusyon ay ipinasa ng U.S Senate Foreign Relations Committee nitong nakaraang linggo.

Banat pa ni Robredo, nagpapakita lang daw na pinagpapauna at pinahahalagahan ng mga Amerikanong senador ang karapatang pantao

Magugunita na pinalagan nila Senate President Tito Sotto at Senadora Imee Marcos ang nautrang resolusyon ng US senate.

“We are a sovereign nation. We have our own judicial processes. What will they say if we pass a resolution asking the US to put in jail all abortionists in their country considering abortion is illegal in ours?… Sovereign states have exclusive jurisdiction to hear and decide the violation of their own laws. We are not a colony anymore” buwelta ni Senate President Sotto.

“Sa palagay ko, talagang garapal na pakikialam ‘yun kaya tigilan na nila. Hindi na tayo little brown brother, hindi na tayo colony ng America. Dapat konting respeto rin…Ang galing naman nila mas marunong pa sila sa Filipino tungkol sa Pilipinas. Huwag naman ganun, konting respeto naman. Panghihimasok ‘yun, 1910 pa rin ba tayo? Hindi. Mali na ‘yan,” resbak naman ni Senadora Imee.

Nagsalita na rin ang Malacañang tungkol sa isyu. Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na pangingialam sa Pilipinas ang naging hakbang ng US senate.

“The recent decision of the US Senate Committee on Foreign Relations to order the favorable reporting of US Senate Resolution No. 142, which is entitled “Condemning the Government of the Philippines for its continued detention of Senator Leila De Lima, calling for her immediate release, and for other purposes” is viewed with grave concern by the Administration.

It is a brazen and heedless affront against the dignity not only of the Philippine Government but of our country’s sovereignty as well. It is an undisguised and outrageous intrusion to a sovereign state. There can be no excuse for the US Senate Committee not to know that the Philippines has long ceased to be a colony of the United States,” banat ni Secretary Panelo.

Source: Manila Bulletin | Presidential Spokesperson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén