Local News

Karapatan ng US na I-Ban ang mga Nagpakulong kay De Lima!

Para kay Vice President Len Robredo, karapatan ng Estados Unidos na harangin ang sinumang banyaga na makapasok sa kanilang bansa. Ang tinutukoy ni Robredo ay ang pagkakapasa ng panukala sa United States appropriations committee na pagabawalan ang mga Filipino Government Officials na kasali sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima.

“We may not agree, but we cannot deny that it’s their right as a country. That’s why we apply for visa. They have the right to approve or deny our entry to their country,” sabi ni Leni sa kanyang radio show nito lang Linggo.

Ang hakbang na ito daw ng Estados Unidos ay para para maipakita sa ibang bansa kung paano ipagtanggol ang karapatan-pantao.

“And now America is using this [right] to show other countries that there are values that are important to them and they will use the power of their government to spread this message,” boladas pa ni Leni.

Ang pinagsasabi na ito ni Robredo ay kabaligtaran sa mga naging pahayag ng lang senador. Magugunita na pinalagan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang hakbang nina US Senators Richard Durbin and Patrick Leahy at tinawag pa ang mga ito na pakialamero. Si Senador Bong Go naman ay gustong imungkahi kay Presidente Rodrigo Roa Duterte na i-ban din sa Pilipinas ang mga banyagang mambabatas.

Binanatan naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si US Senator Leahy matapos nitong isumbat ang ibinibigay na tulong pinansiyal ng Amerika sa Pilipinas.

Giving aids or grants is not a form of sovereign interference. They are given by a state to another by reason of comity and friendship. The Philippines welcomes them. Grants or aids with attached conditions are anathema to the very purpose of such generosity and we reject them, for they cloth the donor the authority as well as the gumption to meddle into our internal affairs thereby trampling our sovereign rights. buwelta ni Panelo.

We remind Senator Leahy that the Republic of the Philippines is not a vassal nor a colony of America. It is an independent state that is fiercely protective of its sovereignty and subservient to no other country. dagdag pa ni Panelo.

Source: Inquirer | Presidential Spokesperson

Leave a Reply