Local News

“Ang Ingay mo kay Bono pero Tahimik ka sa Maynilad at Manila Water Issue” Karen Davila, Nabanatan ng University Lecturer!

May banat si Maastricht University Lecturer at pro-government blogger Sass Rogando Sasot laban kay ABS-CBN journalist Karen Davila. Sa social media post ni Sasot, tinanong nito si Davila kung bakit tahimik sa isyu na kinasasangkutan ng Maynilad at Manila Waters pero maingay daw pagdating sa bokalista ng bandang U2 na si Bono.

“Karen Davila, may tanong ang bayan. Bakit daw parang tahimik ka about Maynilad at Manila Water greed pero ang ingay mo raw about Bono. Umiinom ka ba ng tap water supplied by Manila Water and Maynilad?” banat ni Sasot.

Si Bono ay ang lead singer ng bandang U2 na nagsagawa ng konsiyerto kagabi sa Philippine Arena sa Bulacan. Naging laman ng balita kamakailan ang komento ni Bono kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa panayam niya sa media, sinabi ni Bono na wala siya balak na ma-meet si Pangulong Duterte at tinalakay din nito ang isyu tungkol sa human rights, ang isyu na madalas ipinupukol kay Pangulong Duterte. Sa konsiyerto ng U2 kagabi, ipinakita sa entablado ang mga larawan ng mga babaeng nagbago sa kasaysayan. Isa sa ipinakita ay litrato ni Maria Ressa ng Rappler. Si Ressa ay nahaharap sa kasong tax evasion.

“I’ve no plans… President Duterte is very popular, he doesn’t need me on his side… I am a member of Amnesty International, I have been all my life, and I think human rights is critical. My impression of the Philippines is very caring, very sophisticated people. I understand that when progress is made, sometimes people make what they think are compromises for that progress… And I would say, you can’t compromise on human rights. That’s my soft message to President Duterte,” sabi ni Bono.

Si Bono ay nasasangkot sa isyu ng tax evasion.

Sa unang bahagi naman ng Disyembre, galit na ibinunyag ni Pangulong Duterte ang concessionaire contracts ng Maynilad at Manila Water sa gobyerno. Ayon kay Pangulong Duterte, tila dehado daw ang taumbayan sa nasabing kontrata. Lumabas kamakailan sa ilang media outfits ang pagkapanalo ng dalawang kumpanya sa Singapore Arbitral Court. Dahil sa panalong ito, inatasan ng korte ang gobyerno ng Pilipinas na magbayad sa mga water companies ng humigit-kumulang P10 billion. Hindi ito nagustuhan ni Pangulong Duterte at nagbanta na kakasuhan niya ng “economic sabotage” ang mga kumpanya at mga opisyales ng gobyerno na bumalangkas ng tinagurian niyang tagilid na kasunduan.

Source: Sass Rogando Sasot | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén