Local News

Karen Davila, Binatikos ng Netizens dahil umano sa “Bias” na Panayam kay PNP Chief Alabayalde!

Pinuna ng ilang netizens ang naging panayam ni ABS-CBN News Channel (ANC) host Karen Davila kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Napansin ng ilang kababayan natin ang paulit-ulit na pagpuna ni Davila sa kredibilidad ni Peter “Alyas Bikoy” Advincula, testigo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), para sa kasong sedisyon laban kay Vice President Leni Robredo. Mapapanood kasi na kahit ilang beses nang sinabi ni PNP Chief Albayalde na mayroong ebidensiya ang CIDG at nasa kanila ang computers at cellphone ni Bikoy kung saan naroon umano ang mga pakikipag-usap nito sa ilang taga-oposisyon, panay pa rin ang banat ni Davila sa kredibilidad ng testigo.

“There’s a possibility of a commission of a crime. Remember the statement of “Bikoy” or Peter Advincula were substantially accurate it is because they were supported by documentary evidence and other sources… He submitted his cellphone. We know the contacts there. We know the text messages there. There are other witnesses also… I think in the very start, we already said that Bikoy has to support his allegations with evidences. That is what he did. He came out with his CPU, his computer, his laptop and all other sources,” sabi ni Albayalde.

May ilan tayong mga kababayan na pinagdudahan ang paraan ng pagtatanong ni Davila kay Albayalde.

Ito po ang ilang sa mga tanong ni Davila kahit na sinabi na ni PNP Chief Albayalde na mayroon silang hawak na ebidensiya laban kay Vice President Leni Robredo.

“What kind of vetting did the PNP-CIDG do with Bikoy becasue his credibility is questioned by many?”

“So you mean to say that the only solid evidence you have in filing sedition charges against opposition lawmakers, including the vice president is Bikoy’s testimony?”

“I’m curious. What is the basis for including a sitting vice president, Leni Robredo at that in the case?… But that is what I wanted to ask you as an ordinary person. What is the basis or process for charging someone? If there’s a possibility for me to commit murder. Somebody talks and gives a testimony and says, ‘Si Karen Davila, posibleng may patayin iyan’. Based on the basis alone you will charge me?”

Basahin ang reaksyon ng ilang netizens sa linya ng pagtatanong ni Davila sa hepe ng kapulisan.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén