Local News

Karen Davila, Naawa sa Aktibista na Nahulian ng Armas at Granada noong 2019!

Nitong mga nakalipas na araw ay todo ang pagtutok ng mga mainstream media kay Reina Mae Nasino, ang aktibista na nahuli noong 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives.

Pumanaw kasi ang anak nito at pinayagan ng korte na dumalaw sa libing ng kanyang supling pero kailangan ay nababantayan ito ng mga alagad ng batas.

Hindi nagustuhan ni ABS-CBN news anchor Karen Davila ang naging hakbang ng otoridad. Ayon sa mamamahayag, napakalupit daw ag trato sa “aktbista” at nakakdurog ng puso.

“Hindi po siya convicted criminal. Hindi po siya drug trafficker.
Aktibista lang po siya.
Bakit ganito kalupit… sa kapwa Pilipino pa?!

Absolutely heartbreaking,” boladas ni Davila.

Ayon sa pahayag ni Philippine National Police spokesperson Brigadier General Bernard Banac noong nahuli sina Nasino at kasamahan niya, ang pagakakasakote sa mga suspek ay patunay na gumagana ang rule of law sa Pilipinas.

“The PNP performs its mandate to enforce the law following established procedures with utmost respect for human rights,” he said, when asked if there is a crackdown on activist groups in the country… We assure the public that the PNP remains alert and vigilant to prevent occurrence of crimes and ready to respond to any emergency, calamity and call for assistance,” sabi ni Banac.

Ilan sa mga nakuha ng mga alagad ng batas noong ni-raid nila ang lungga ng mga aktibista ay ang Bushmaster caliber 5.56 xm15-E26, 2 short magazine for cal. 5.56 mm, 45 pieces ammunition para sa caliber 5.56 mm, 1 Colt MK4 series 80 caliber 45, Colt automatic caliber 45 at 2 granada.

Source: Karen Davila | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: