Local News

Panoorin: Kaso laban kay Raffy Tulfo, Nakitaan ng Probable Cause ng Korte!

Nakitaan ng piskal sa Tarlac ng probable cause ang kasong violence against women na isinampa laban sa News5 host Raffy Tulfo. Psychological abuse umano ang nakitang batayan ng korte. Ang kaso ay isinampa ng nagpakilalang dating misis ni Tulfo na si Julieta Nacpil Licup.

Ayon kay Licup, nagdanas daw siya ng mental stress noong nagsasama sila ni Tulfo.

Kinasuhan din ni Licup si Tulfo ng bigamy sa Quezon City prosecutor’s office pero hindi pa inilalabas ang desisyon ukol sa kasong bigamy.

“The pain is real. Knowing what he did to us was not fair, and yet he will tell the world everything, it seems like he didn’t not have anything to hide,” sabi ni Licup.

Sa isang panayam, sinabi ng public service show host na nagulat siya sa naging desisyon ng korte dahil wala raw siyang natatanggap na subpoena. Ibinunyag din ni Tulfo ni pine-perahan lang daw siya ni Licup. Naniniwala naman siya na mababasura ang kaso laban sa kaniya.

“Sobrang gulat ko na hindi ako kasi hindi ako naktanggap ng subpoena from the fiscal’s office. Alam naan ng gmatao kung saan nagtatrabaho si Tulfo. Ito lang masasabi ko, right from the start, P100 million pesos ang hinihingi (ni Licup) at mayroong doukumento iyan,” resbak ni Tulfo.

Magugunita na noong Hunyo ay kumprehensibong ipinaliwanag na ni Tulfo ang naging kasaysayan niya kay Licup.

Binunyag ni Tulfo na kasal na rin daw si Licup sa isang banyaga. Gusto lang daw siyang kikilan ni Licup. Ayon pa kay Tulfo, pinagbantaan daw siya ni Licup na sisirain kung hindi umano magbibigay ng 100 million piso.

“She’s already married to a foreigner and she’s asking P100 million or else gigibain daw niya ang buhay ko. I have the letter from her lawyer. It is blackmail and extortion,” paliwanag ni Tulfo noong Hunyo.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén