Local News

Kasunduan ng UP at Defense Department, Binasura na!

Ibinasura na ng Department of National Defense ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa kasundaluhan at kapulisan na pumasok sa naturang pamahalaan ng walang permiso.

Ito ay base sa naging liham ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay UP president Danilo Concepcion. Magiging epektibo ang pagpapawalang-bisa ng kasunduan sa Enero 15, 2021.

Ayon kay Lorenzana, ginawa nila ito para maprotektahan ang mga mag-aaral sa ginagawang pnghihikayat ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Natuklasan din daw ng ahensiya na may ilang estudyante sa nasabing paaralan na miyembro na ng CPP-NPA.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén