Local News

Kauna-unahang Kaso ng Coronavirus sa Pilipinas, Nag-Negatibo na sa Sakit!

Isang magandang balita ang hatid ng Department of Health (DOH) kaugnay sa kauna-unahang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus sa ating bansa. Ayon sa tagapagsalita ng ahensiya na si Undersecretary Eric Domingo, nag-negatibo na sa coronavirus ang 38-anyos na babaeng Tsino. Hinihintay na lang daw ang resulta ng ikalawang test bago nila palabasin ng pagamutan ang pasyente.

“The patient is still stable, no symptoms. Our reports indicate that the last test niya done on February 6, ‘yung latest niya was negative already… But we already sent sample for the second test kasi we need two consecutive tests to be negative before we discharge the patient,” sabi ni Usec. Domingo.

Ang pasyente ay taga-Wuhan, China, ang lugar kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang coronavirus outbreak. Ang kabiyak ng pasyente ay nag-positibo din sa coronavirus at nasawi nitong unang bahagi ng Pebrero.

Wala pang tiyak na gamot laban sa coronavirus. Ngunit matatandaang isang coronavirus patient sa Thailand ang bumuti ang kalagayan matapos gamitan ng gamot para sa HIV at influenza. Tinitignan na rin ng ilang siyentipiko sa ang paggamit ng deribatibo ng langis ng niyog para panlaban sa coronavirus.

“Several researchers have been designing drugs to specifically target protease enzymes in coronavirus, but testing for these drugs is many months away… What if there is a treatment candidate against the coronavirus that might already be available and whose safety is already established?… Because of the antiviral and antibacterial protection that it provides to animals, coconut oil, as well as lauric acid and monolaurin, is used in farm animals and pets as veterinary feed supplements in chicken, swine and dogs… Monolaurin has been shown to effectively protect chicken against avian influenza virus,” sabi sa academic paper na sinulat ni Ateneo De Manila University professor emeritus Fabian Antonio Dayrit kasama si physician Mary Newport.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén