Local News

‘Kundinahin mo ang NPA!’ Angel Locsin, Hinamon ng Radio Host!

Ngayon araw ay naglabas ang aktres na si Angel Locsin ng pahayag para itanggi na miyembro siya ng rebeldeng grupong New Peopple’s Army (NPA). Ito ay matapos sabihin ni Lt. General Antonio Parlade na may hindi daw sinasabi si Locsin tungkol kay ka Ella Colmenares na diumano’y miyebro ng New People’s Army (NPA).

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala. Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.

Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger,” patutsada ni Locsin.

Hinamon naman ng radio host na si Mark Lopez ang aktress na tahasang kundinahin ang NPA.

“Imbes na denial, ang challenge sa iyo Angel Locsin is to FULLY DENOUNCE THE CPP-NPA-NDF and its front orgs for its crimes against the Filipinos! KAYA MO?” banat ni Lopez.

Source: Mark Lopez | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén