Local News

Kaya naming Tapatan ang Tapang ni DU30 – Hontiveros

Minaliit ni opposition senator Risa Hontiveros ang mataas na ratings na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan lang. Ayon sa mambabatas, hindi porke’t mataas ang survey ratings ay maayos ang pangangasiwa nito sa bansa.

“Sabi ng mga survey popular siya, pero hindi ibig sabihin na sinabi ng mga survey na popular siya, ay ibig sabihin demokratiko siya,” boladas ni Hontiveros.

“Tinatanggap ko parang sinasabi ng mga survey popular siya… hindi ibig sabihin nito maayos ang pamumuno niya, na hindi ibig sabihin nito habambuhay na lang ay mananatili siya diyan sa kapangyarihan,” dagdag pa ng senadora.

Banat pa ng senadora, kaya raw tapatan ng oposisyon ang tapang ni Pangulong Duterte.

“Siguro nga gusto nating mga Pilipino ang tapang. Ako din, gusto ko ‘yung katapangan. Pero ang sinasabi ko at sinasabi namin sa oposisyon na may ibang klase ng pagiging matapang… I think sa pag-intindi namin sa pakiramdam ng ating mga kababayan ay kaya naming pantayan ang tapang ni Presidente,” patutsada ni Hontiveros.

(Lumaktaw sa 34:48 na bahagi ng video para mapanood at mapakinggan ang mg akomento ni Hontiveros laban kay Pangulong Duterte.)

Naniniwala din si Hontiveros na ang popularidad ay maglalaho din. Sa katunayan daw, may ilang diktaduryal na gobyerno na natalo din.

“Alam natin sa history ng ibang mga bansa, nagkaroon ng mga authoritarian at even dictatorial governments na sa simula ay may bihis demokratiko. Pero sabi rin ng history, ang lahat ng mga authoritarian, matatalo din at naglalaho din,” sabi ni Hontiveros.

Magugunita na tinawag ni Pangulong Duterte na bobo si Hontiveros noong 2017, panahon ng kasagsagan ng isyu sa pagkasawi nina Kian Delos Santos at ni Carl Arnaiz

“Do you think two killings, even if it’s illegal, makes a policy? Dalawang patay, palagay lang natin pinatay, murder [Two dead, let’s just say they were murdered]. I ask Hontiveros, is that already the policy? Is that the baseline of the policy? Napakabobo naman n‘yan [That’s so stupid],” buwelta ni Pangulong Duterte kay Hontiveros noong 2017.

Source: ABS-CBN | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén