Local News

‘Kaya Sinasabihan kayong Fake News!’ Rappler Reporter Pia Ranada, Niresbakan ni Willie Revillame

“Sana sa pagsulat mo, alamin mo muna kung ano ang istorya. Kaya nga sinasabihan kayo na fake news kayo, hindi totoo ang sinasabi mo!”

Ganito ang mga salitang binitawan ng game show host na si Willie Revillame laban sa reporter ng Rappler na si Pia Ranada.

Nag-ugat ito sa terminong ginamit ni Ranada sa kanyang artikulo kung saan sinabi ng reporter na nang-hijack umano si Revillame ng press conference ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ipinaliwanag naman ni Revillame ang nangyari kung bakit siya lumabas sa presscon ni Roque. Ayon kay Revillame, sarado daw ang RTVM building dahil may ilang empleyado na nag-positibo sa covid-19, kaya nakisuyo si Sec. Roque na makigamit ng kanyang studio.

“Ginawan ko po ng paraan ‘yan, ako po ang nag ayos niyan at dito early morning para po may magamit po si Secretary Harry Roque…Alam niyo ho, yung pagbibigay ko ng 5 million galing po ‘iyon sa sarili ko, pinagsikapan ko pinaghirapan ko, ‘yun po ay galing sa akin at hindi po alam ni Secretary Harry Roque at Governor Jonvic Remulla at ng buong taga Malacanang na nandito, wala.. naisip ko lang po ‘yun..Eh para pa hong napasama pa ako sa iba na parang nagbuhat ako ng bangko, parang nagyabang pa ako, hindi ko po maintindihan kung bakit may mga ganyan klaseng tao…Ang alam ko, ang hijack may hino-hostage ka, may dala kang armas. Ang ibig kong sabihin, hindi maganda ang pagkakasulat. Ang sabi hi-nijack ko ‘raw ang programang iyon. I was invited by the secretary, pinagbigyan ako ng pagkakataon dahil dito ho sila, actually kung hindi po sila pwede sa Malacanang studio ay welcome sila dito, para alam po ng tao ng announcement at sasabihin ng Presidente,” paliwanag ni Revillame.

Source: GMA News | MSN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén