Local News

‘Kidnapping ang Kaso!’ Makabayan Bloc Congresswoman, Nagisa ni Cong. Remulla!

Sa kongreso ay nagkatapat sina ACT Teachers Partylist France Castro at si Congressman Boying Remulla upang talakayin ang isyu ng red-tagging at ang ginawang pagligtas ng mga kapulisan sa ilang kabataang lumad na dinala ng leftist group sa Cebu mula Davao.

Ipinamukha ni Remulla kay Castro ang kinahaharap na kaso ng mga indibidual na hinuli. Ipinaalala din ni Remulla na walang permiso sa magulang ang ginawa ng mga leftist group at ilang taon na ring hinahanap ng mga magulang ang mga kabataan.

“Ang lima ho sa mga nahuli sa Cebu ay kinasuhan na po ng kidnapping at serious illegal detention. Hindi ba totoo iyon? Para malaman ng lahat, ‘yung mga tao sa Cebu ay kinasuhan na po ng mga non-bailable crimes, sapagkat ‘yung mga bata po ay tatlong taong hindi nakita ng mga magulang. Dinala mula Davao papuntang Cebu na walang permiso, kaya kidnapping ang kaso ng mga taong nagdala ng mga bata sa University of San Carlos. Sana po maging makatotohanan tayo dito. Ang problema sa ating lipunan, kung mayroong ginagawa ang mga kapulisan upang awatin ang maaaring maging mas malaking problema, ito na naman at may nagrereklamo,” sabi ni Remulla.

Naniniwala din si COng. Remulla na tama ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng anti-communist task force.

“Ang gusto ng Pilipino ay maging maayos ang ating bayan, na walang naghaharing wala sa batas at gumagamit ng armas ng wala sa batas. ‘Yan po ang pagnanais natin sa ating lipunan. Ang 99% na ginagawa ng mga pulis ay para sa kabutihan ng mga Pilipino. May 1% na tiwali, ngunit ang karamihan sa ating kapulisan ay gustong iayos ang ating lipunan… Madaling magsalita laban sa ating kapulisan. Ang problema po ay ‘yan ang tinuturo sa mga batang dinadala sa kanilang paaralang tinatawag nilang Lumad Schools… Tinuturuan nilang magalit sa magulang at magalait sa gobyerno ang ating kabataan,” dagdag pa ng kongresista.

Source: Congress PH

Leave a Reply

Theme by Anders Norén