Local News

Kiko, Dumipensa sa Alegasyon ni Alyas ‘Bikoy’! Sinisi pa ang Duterte Administration!

Umalma si Senador Francis “Kiko” Pangilinan matapos inguso ni Joemel Advincula ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes na nasa likod umano ng mga mapanirang video series na “Ang Totoong Narco list”.

Magugnitang lumantad kamakailan si Advincula sa publiko para sabihin na siya si alyas “Bikoy”, ang lalaking nagsasalita sa mga videos na naninira sa mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagdawit sa mga ito sa kalakalan ng droga. Ngayon ay nag-iba na ang tono ni Advincula at itinuturo na ang oposisyon ang nasa likod umano ng nasabing mga videos.

Sa pagbaliktad ni Advincula, dumpensa si Pangilinan at sinisi pa ang Duterte government.

“Kahit ano sasabihin ng testigo kahit kasinungalingan laban sa LP sa takot na masaktan ng Administrasyon. Wala kaming ugnayan sa video at kay Bikoy. Kasinungalingan lahat ang mga paratang na yan. Gawa-gawa lang ng Administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa Administrasyon,” boladas ni Pangilinan.

Banat pa ni Pangilinan, paraan daw ito ng kasalukuyang gobyerno para pagtakpan ang nangyaring gusto sa Bureau of Customs kung saan tone-toneladang shabu ang naipuslit.

“Hanggang ngayon wala pa rin mga drug lords at sindikato na nahuhuli o nakakukulong sa pagpuslit ng toneladang shabu sa BoC. Yan ba ang pinagtatakpan nila? Pekeng drug war? Yang mga sindikato ng droga ang dapat nilang habulin, hindi mga kritiko at mga nasa oposisyon,” angal pa ni Pangilinan.

Baka hindi pa nalalaman ni Pangilinan na pina-paaresto na ng korte ang mga sangkot sa shabu shipment. Base sa ulat ng ABS-CBN, naglabas na ng arrest warrant ang Manila RTC Branch 35 laban kina dating pulis Eduardo Acierto, former Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy chief Ismael Fajardo, Jr., and former Customs intelligence officer Jimmy Guban.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa sinabi ni Pangilinan.

“Remember Espinosa …Parohinog ..and so many others ..arent they BIG time drug Lord,” sabi ni M. Tadlas.

“Nung lumutang si bikoy-LP kailangan imbistigahan yan. Nung umamin na LP may pakana, LP- Pakana ng administration yan,” sabi ni R. Rosal.

“The government should file a case. Put Trillanes and allies on hold departure order. If proven true, Magdalo party list should also be removed from the lower house.,” sabi ni J. Andrada.

Source: PTV | ABS-CBN | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén