Local News

Kiko, Gustong Ipasibak si Heneral Parlade!

Bumoladas si opposition senator Kiko Pangilinan para ipinawagan ang pagpapasibak kay Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. dahil sa mga komento nito sa Inquirer reporoter na si Tetch Tupas.

“Enough of this unprofessionalism and lack of discipline with such baseless, erroneous public statements. Like AFP Intel Chief Luna, Lorenzana should show Parlade the door,” patutsada ni Pangilinan.

Magugunita na inalmahan ni Lt. Gen Parlade ang ulatr ni Tupas tungkol sa mga Aeta na pinahirapan umano ng militar at pinakain pa raw ng dumi ng tao para aminin na miyembro ng New People’s Army.

“Congratulations for a sloppy work Tetch Torres-Tupas of Inquirer.net. You did not even bother to check the side of the AFP and gov’t if what you are reporting is true or FAKE. Propagandista. No such thing happened. That unit is not even there but in Davao,” buwelta ni Parlade.

“Hindi kita titigilan Tetch Tupas hanggang hindi mo sinasagot ang tanong ko. Inquirer.net kasama ka sa sasagot nito. Nakakahiya kayo sa mga kasamahan niyo sa media,” dagdag pa ni Parlade.

SI Lt. Gen. Parlade ay kasapi ng National Task-Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang grupong naatasan na tumugon sa paghahasik ng lagim ng mga New People’s Army (NPA).

Source: Inquire | GMA News | Inquirer | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén