Local News

Kiko, Hindi Bibitaw at Baka Magka-MILAGRO at may Manalo sa Otso Diretso!

Nasa mga huling bahagi na ng pagbibilang para sa halalan 2019 at ang lahat ng kandidato ng oposisyon ay hindi mahagilap sa top 12.

Sa pinakahuling tala (1:53pm), 94.85 porsyento na ng election returns ang nabibilang. Pero ayaw pa rin bumitaw ni Otso Diretso campaign manager Senator Kiko Pangilinan at nangangarap siya na baka magkaroon pa ng milagro.

“Let’s wait for the results. Who knows baka may milagro,” pahayag ni Kiko.

Ayon kay Kiko, mayroon ilang porsyento na nalalabi sa unofficial tally at baka magamit ito para maipanalo ang isa sa mga pambato ng Otso Diretso.

“Baka sakaling sa nasabing nalalabing pitong porsyento ay maipanalo pa ng isa o dalawa nating mga kandidato ang kanilang kandidatura. Mananatili tayong mapagbantay hanggang sa dulo,” sabi ni Kiko.

Kahit na masaklap ang sinapit ng oposisyon ay itutuloy pa rin daw nila ang laban.

“Tuloy pa rin ang laban para sa katarungan, para sa kasarinlan at sa mas maunlad na bukas para sa ating mga kababayan. Tuloy ang laban!” sabi ni Kiko.

Source: ABS | GMA | Rappler

Leave a Reply

Theme by Anders Norén