Local News

Kiko, Umamin na Hati ang Kanyang Pamilya sa Politika! Sharon, Suportado Talaga si DU30?

“Like I said families are divided, it is a reality,”

Sa panamayam sa ANC’s Head Start, umamin si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hati ang kanyang pamilya pagdating sa usapin ng politika.

Hindi alintana ng asawa ni Kiko na si Mega Star Sharon Cuneta na magpakita ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng madalas na pagbatikos ni Kiko sa Presidente. Kahit ganunn pa man, mahal pa din daw ni Kiko si Sharon.

“Unfortunately, in the country many families of the country are divided on what is happening in the country and our family is no exception,” sabi ni Pangilinan.

Magugunitang ibinahagi ni Sharon sa kanyang social media account ang pagbati sa kanya ng Pangulong Duterte nang hindi nakadalo sa kanyang shows ang Presidente. Maaalalang pinagtanggol din ni Sharon ang kapatid niyang si Chet na tumatakbo bilang alkalde ng Pasay matapos i-endorso ng Pangulong Duterte.

Nang mapag-usapan kung i-endorso ni Sharon ang mga kandidato ng oposisyon na mas kilala sa pangalang ‘Otso Diretso’, sinabi ni Kiko na hahayaan niya na lang ang asawa niya ang magpasya.

Source: ABS | INQ | Sharon Cuneta

Leave a Reply

Theme by Anders Norén